Ang kolumnista na si Mon Tulfo pinagsabihan ang kanyang mga kapatid na sina Erwin, Raffy at Ben sa kanilang pagbabanta sa celebrity couple Raymart Santiago and Claudine Barretto.
Sa programang T3 na magkakapatid na si Ben, Raffy,at Erwin naglabas ng sama ng loog ang makakapatid sa sinapit na kuya nila na si Mon Tulfo ang mga pananalita nila may tonong pagbabanta laban sa mag asawang sina Raymart at Claudine.
Pahayag ni Raffy "Tumirik ka ng kandila mula ngayon. Huwag na huwag mag krus ang landas natin."
Pahayag ni Erwin "Dahil kapag nagpaabot tayo sa NAIA Terminal 1, Terminal 2 o Terminal 3, tatamaan at tatamaan ka. Wala akong pakialam, pati asawa mo, tatamaan sa akin. Hindi pa tayo tapos Raymart. Hindi pa taos. Antabayanan mo lang ang lintik na ganti ng Tulfo."
Pahayag ni Ben "Last man standing lalabas, sa loob magsasara tayo ng pinto. Titingnan ko ang galing mo. Tandaan mo 'to."
Kaninang umaga sa ulat ng PEP.ph at sa Radio Singko 92.3 humingi ng paumanhin sa kanilang mga viewers at tagapakinig ang Tulfo Brothers tungkol sa mga sinabi nila dahil hindi rin nila ito nagustuhan.
nakamarka pa din sa kanyang kanang pisngi ang pasa na 60yrs old na columnist broadcaster ang mga tama ng kamao na pinakawalan ng grupo ng aktor na si Raymart Santiago ng sila ay mag pang abot sa loob ng NAIA Terminal 3, inakala ni Mon Tulfo nalalapit na sa Media ang isyu ng bugbugan at pinatitikom na daw sya ng kanyang abogado pero nagpasya daw sya magsalita muli para pasinungalingan ang mga kwento ni Anna ang babaeng nagsasabing nakita daw nya ang buong pangyayari na si Mon Tulfo daw ang unang nanakit at nakita nya sipain nya si Claudine Barreto.
Kaibigan daw ito ni Raymart at Claudine na kasama nila sa Boracay.
Pahayag naman ni Tulfo sa Kaibigan ni Raymart at Claudine "Wag naman ganun kung alam mo naman yung tunay na pangyayari wag naman na babaligtarin mo"
Itinanggi naman ni Anna pakawala sya nila Claudine iginiit din nya na hindi nya kilala ang mga ito.
Nanindigan si Tulfo na hindi sya ang unang nanakit at hindi rin daw nya sinadyang sipain si Claudine maaring tinamaan nya lang ito habang dinidipensahan ang kanyang sarili sa sakal at suntok.
the tulfo brothers!!
ReplyDeletePlaygroup Singapore